Isang awit na puno ng kahulugan, kahulugan na may malalim na ipinihihiwatig. Magkabilaan ang mundo ay maihahalintulad ko sa buhay at lipunan ng tao. Ang katotohanan ay may dalawang mukhaang tama sayo ay mali sa tingin ng iba, marami sa atin ay may kanya kanyang pananaw sa buhay mayroong positibo at negatibo. Kaya kadalasan nagkakaroon ng batuhan ng mga pananaw na humahantong sa hindi pagkakaunawaan. May mga mabubuti at syempre hindi rin nawawala ang masasama ang ugali. Tulad na lamang sa ating lipunan ngayon mayroong nagpapakasasa sa kayamanan habang ang ilan ay unti-unting namamatay sa kahirapan.
Ang malakas at mahina ay magkapatid, Tulad sa lipunan, ipinahihiwatig lamang nito na ang mga namumuno ay sadyang may angking talino at malakas sa kanilang mga tungkulin sa kbila nito ang hina na bumabalot sa bawat isa, panghihina na nagdudulot ng matinding pagkasadlak sa buhay. Kaya marami ang naghihirap, kaya hindi umuunlad ang ating bansa. Ang hirap ng marami ay sagana ng ilan, nang marinig ko ang linya na ito bigla na lamang may kumorot sa puso ko. Naalala ko ang mga bata at matatandang palakad-lakad sa kalye. Namumulot ng makakain sa basurahan na itinatapon ng mga mayayaman. Ang nagpapakain ay walang laman ang tiyan. Naisip ko lamang ang mga magulang na handang magsakripisyo para lamang sa kanilang mga anak, naghahanap ng pagkain para sa mga supling kahit sila ay hindi na kumain. May magagawa pa kaya ang pamahalaan upang baguhin ang sistema ng buhay ng tao? Marami ang may magandang adhikain upang baguhin ito ngunit wala at mababalewala ang kanilang paghihirap upang maiangat at mapaunlad ang bansa dahil saw ala silang kapangyarihan upang gawin ito. Kadalasan ang may kapangyarihan ay nagpapakasasa sa pera na nakalaan para sa lipunan at mamamayan. May kaliwa't may kanan ang sa ating lipunan patuloy ang pagtutunggali, patuloy ang paglalaban, nawa'y tigilan na ang sistema na iyan.
Magkaisa para sa ng lipunan at mamamayan. Bilang kabataan at estudyante dapat lamang na tayo mismo ay maging susi ng pagbabago. Kailangan natin ang bawat isa tulad ng mundong magkabilaan.