Linggo, Enero 1, 2012

Imbang Gabi

                    Ang Simbang Gabi ay siyam na araw na nobena para sa Inang Maria. Sinisimulan ito ng December 16 ganap na alas-kwatro ng madaling-araw. Ang pagtunog ng kampana ng simbahan ay hudyat ng taimtim na misa.Sa pagpasok ng buwan ng Disyembre tayong mga Pilipino ay naghahanda at hindi makapag-intay sa araw ng pasko.Kalaunan naiiba ang tradisyon dahil may mga simbahan na gabi talaga nagmimisa mas kumportable rin para sa marami tulad namin. Nagiging mas masaya rin ang pagsisimba dahil sa makukulay na parol at pagkanta ng awiting pamasko. Dagdag kasiyahan din ang mga nagtitinda ng mainit at masarap na bibingka at puto bumbong sa tabi ng simbahan. Kaugalian na ang pagsisimba sa magadaling araw o simbang gabi, ngunit sa lugar namin ang simbang gabi ay ginaganap lamang sa tinatawag na bisita sa oras na alas sais hanggang alas siete ng gabi. Kapag nakumpleto mo daw ang siyam na gabi ng misa, matutupad daw ang iyong kahilingan. Kaya kada taon ay gusto ko na mabuo ang simbang gabi. Likas sa mga Pilipino ang pagiging relihiyoso, isa ito sa mga impluwensyang nakuha natin sa mga Espanyol ng sakupin nila ang ating bansa ng 333 years. History? Sa kasamaang palad sa taon na ito ay hindi ko nabuo ang simbang gabi, isang araw lang ang kulang ko at nainis ako sapagkat dahil dito hindi ko nabuo ang simbang gabi.

                      Hindi ko na matandaan kung pang-ilang araw ang misa na hindi  ko naattendan. Sa araw na iyon kasi ginanap ang Christmas Party ng aking mga kaklase dati, gusto ko man magsimba ngunit alam kong hindi na ako makakaabot sa misa. Parang nawala ang lahat ng nais kong matupad. Nakalulungkot man ngunit alam kong dahil sa aking pananalig matutupad ito kahi na hindi ko nabuo ang simbang gabi. Matuto lamang tayong manalig sa ating Maykapal tiyak na magiging. 

                      Ayon sa paniwala, ang pagbuo ng Simbang Gabi ay naghahatid ng katuparan sa mga hiling o dalangin. Pero higit na pinaniniwalaan na isang malaking pag-alala ito sa Panginoon pagkilala kay Hesus.


Huwebes, Disyembre 29, 2011

Magkabilaan ang Mundo

     Isang awit na puno ng kahulugan, kahulugan na may malalim na ipinihihiwatig. Magkabilaan ang mundo ay maihahalintulad ko sa buhay at lipunan ng tao. Ang katotohanan ay may dalawang mukhaang tama sayo ay mali sa tingin ng iba, marami sa atin ay may kanya kanyang pananaw sa buhay mayroong positibo at negatibo. Kaya kadalasan nagkakaroon ng batuhan ng mga pananaw na humahantong sa hindi pagkakaunawaan. May mga mabubuti at syempre hindi rin nawawala ang masasama ang ugali. Tulad na lamang sa ating lipunan ngayon mayroong nagpapakasasa sa kayamanan habang ang ilan ay unti-unting namamatay sa kahirapan.
          Ang malakas at mahina ay magkapatid, Tulad sa lipunan, ipinahihiwatig lamang nito na ang mga namumuno ay sadyang may angking talino at malakas sa kanilang mga tungkulin sa kbila nito ang hina na bumabalot sa bawat isa, panghihina na nagdudulot ng matinding pagkasadlak sa buhay. Kaya marami ang naghihirap, kaya hindi umuunlad ang ating bansa. Ang hirap ng marami ay sagana ng ilan, nang marinig ko ang linya na ito bigla na lamang may kumorot sa puso ko. Naalala ko ang mga bata at matatandang palakad-lakad sa kalye. Namumulot ng makakain sa basurahan na itinatapon ng mga mayayaman. Ang nagpapakain ay walang laman ang tiyan. Naisip ko lamang ang mga magulang na handang magsakripisyo para lamang sa kanilang mga anak, naghahanap ng pagkain para sa mga supling kahit sila ay hindi na kumain. May magagawa pa kaya ang pamahalaan upang baguhin ang sistema ng buhay ng tao? Marami ang may magandang adhikain upang baguhin ito ngunit wala at mababalewala ang kanilang paghihirap upang maiangat at mapaunlad ang bansa dahil saw ala silang kapangyarihan upang gawin ito. Kadalasan ang may kapangyarihan ay nagpapakasasa sa pera na nakalaan para sa lipunan at mamamayan. May kaliwa't may kanan ang sa ating lipunan patuloy ang pagtutunggali, patuloy ang paglalaban, nawa'y tigilan na ang sistema na iyan.
        Magkaisa para sa ng lipunan at mamamayan. Bilang kabataan at estudyante dapat lamang na tayo mismo ay maging susi ng pagbabago. Kailangan natin ang bawat isa tulad ng mundong magkabilaan. 
              

Miyerkules, Disyembre 21, 2011

Kaibigan at Someone


                 Bawat nilalang ay magaling pagdating sa pag-ibig. May nabigo at patuloy na nabibigo, may umaasa, may walang pag-asa. Ngunit ang iba ay masaya na at mas lalo pang pinatatag ang kanilang relasyon. Hindi rin mawawala ang mga nasasaktan. Parang isang teleserye, maraming kabanata at pangyayari na kailangan nating tutukan ng maigi upang tayo ay matuto.

               Sina Sam at Wan ay matalik na magkaibigan, magkasama sa lahat ng oras at nagdadamayan sa lahat ng bagay. Itago natin sa pangalang Big ang babae sa kwento. Si Big ay may lihim na pagtingin kay Wan, crush lang naman. Noong una ay hindi naman sila gaanong napapansin ni Big. Nagsimula lang ang lahat nung Junior’s Prom, sinayaw nila si Big. Pero kinikilig talaga si Big dahil sa isinayaw ito ni Wan. Ilang araw pa lamang ay napansin ni Big na panay ang panunukso ng kanilang mga kabarkada kay Sam. Nalaman na lamang nito na may pagtingin pala si Sam kay Big. Ito lamang ay wala lang sa kay Big dahil hindi naman masama ang pagkakaroon ng crush. Ito lamang ay paghanga. Nagkakausap at nagkakatxt na sila nina Sam at Wan. Naging bestfriend ko si Sam dahil sa sobra naming close. Nalaman ko na lang na mayroon ding pagtingin si Wan kay Big. Haba ng hair? Hindi naman gaano, maigsi lang. Ito na ang ikalawang beses na nangyayari sa kanila sapagkat noong una ay nagkagusto sila sa isang babae ngunit ang si Wan ang gusto at nagparaya si Sam dahil ito ay nalaman niya kaagad at nagkaayos naman sila. Hindi ko na ito pahahabain pa, nanligaw at nagkaroon ng relasyon si Big at Wan ng hindi nalalaman ni Sam. Pero naunang manligaw si Sam. Gustong gusto na imamin ni Big ngunit at sabihin sa kanya ngunit siya ay natatakot. Alam niya na makakasakit ito at ito ay nangyari na. Nakakainis naman si Wan dahil parang happy-go-lucky sya. Ayaw nya kasing maulit ang pangyayari kaya ito ay gusto niyang ilihim. Bestfriend lamang ang turing ni Big kay Sam. Hindi na kinaya ni Big na makasakit pa dahil alam nitong mali kahit na walang karapatan si Sam.

               Alam ko ni Big na  mahirap ipit na ipit ito sa sitwasyon, nakapagdesisyon siya na ito ay aminin na kay Sam. Pinayuhan na rin si Big ng kanyang mga kaibigan na ito ay gawin na dahil nagmumukang tanga si Sam. Nang inamin na ito ni Big kay Sam ay parang nanikip ang kanyang dibdib, galit nag alit si Sam kay Wan. Nung mga panahon na iyon ay walang nagawa si Big kundi ang umiyak. Nagkagalit ng matagal sina Sam at Wan, maging si Big at Sam ay hindi ayos. Hindi ko sya masisisi dahil alam ko na mahirap yun para sa kanya. Mas minabuti ni Big na makipaghiwalay kay Wan upang maayos ang bawat isa ngunit wala ring nangyari. Napakahirap ng sitwasyon. “Bigyan nyo lang ako ng pagkakataon, magkakaayos at mababalik an gating pagkakaibigan” ang nasambit ni Sam. Matagal na hindi kinausap at pinansin ni Sam si Big, ang hirap sa kalooban sapagkat siya ay isa sa pinakamatalik nitong kaibigan. Galit na galit naman si Sam kay Wan. Napakalungkot ng panahon na iyon ang hirap sa damdamin lalo na kay Big. Matagal ang panahon na lumipas ng muling buksan ni Sam ang kanyang puso upang magpatawad. Halos isang taon, hindi na katulad ng dati na sobrang close. Nakakapanibago talaga para sa kanila may limit na ang lahat. Alam ko ni Big nakasakit sya ng damdamin kaya pilit akong nagpapakatatag at inuunawa ang kanyang desisyon. Matagal na hindi inamin sa kanya ngunit kung sinabi at ipinagtapat ko siguro sa kanya napatawad nya sana kami at patuloy pa ring matatag ang aming pagkakaibigan. Pero ngayon, ayos na ang lahat. May kanya kanya ng buhay, sobrang nakakapanibago. Ganun talaga. Just go with the flow ang drama. Naikwento ko ito sapagkat nais ko lamang magbigay ng aral lalo na sa kabataan. 

               Lahat ay umiibig ngunit nararapat na isaalang-alang ang pagkakaibigan. Dapat lamang na isipin na walang taong masasaktan. Napakalaking dagok nito sa aking buhay noon pero dahil din doon ay ako ay natutong maging matatag. Bawat pagkakamali ay may kaakibat na magandang aral ng buhay.